Ang Hamon Sa Sikolohiyang Pilipino
ni:
Blas F. Ople
Einstein at Freud
Nahaharap ang siyensya sa kasalukuyan sa maraming hangganan – ang kalawakan nito ay ipinahihiwatig ng taunang “Nobel Prize Awards.”hindi nakapagtataka na ang dalawang namumukod na henyo n gating panahon ay sina Einstein at Freud: ang isa ay lumikha ng teorya ng material na bagay at pisikal na kalawakan samantalang ang ikalawa ay lumikha ng teorya ngkaisipan o ng kalawakan ng diwa.
Rizal: Tagatala ng Kaisipang Pilipino
Masasabing si Jose Rizal ang kauna-unahang sikologong Pilipino; ang Noli at Fili ay maituturing na tala ng kaisipang Pilipino. Ang kanyang sanaysay, ang “katamaran ng mga Pilipino”, ay nakapagpaliwanag sa makabagong paaralang behabyoral sa sikolohiya. Nakita ni Rizal sa diwang ito ang kahihiyan at katubusan ng mga Pilipino.
Ang mga Pinagmumulan ng Motibasyon
Mailalantad ng sikolohiya ang mga pinagmumulan ng motibasyon – ang panloob na lakas na nagbunsod sa mga bansang katulad ng ng Hapon at Tsinan a lampas an ang karaniwan tungo sa kadakilaang nakagugulat sa buong mundo. Ipinahayag ni Willian James sa kanyang “second mind theory” na mayroong mas malalim na antas ng pagsisikap at pag-unlad na naisasakatuparan lamang ng iilang tao. Sa kabilang dako, ayon kay Maslow may herarkiya ng pangangailangan ang tao: ang kasiyahang kaugnay ng pangangailangang mabuhay ay nagbibigay daan sa mas mataas na pangangailangan at mataas na motibasyon.
Kanlurang Ispiritwal o Kanlurang Materyal
Ang mga halimbawang ito ng kontemporaryong kasaysayan sa Hilagang Silangan at Timog Silangang Asya ay nagbibigay ng malalim na katanungan para sa mga sikolohista at estadista: ang kanlurang pang-ekonomiko ba ay nasasalig sa isang hindi ekonomikong bagay, isang proseso na sinimulan at inalalayan hindi ng material kundi ng ispiritwal na lakas?
Ang mga Moral na Ugat ng Kanluran
Ang mga hangarin ng bansang Hapon noong kapanahunang Meiji ay nagsasaad sa kanyang panuntunan: “ malakas na hukbo, matatag na ekonomiya.” Ang layunin nila ay hindi labanan ang malawakang paghihirap kundi ang ipagtanggol ang sarili sa sigwa ng imperyalismong kanluranin na lumamon sa malaking bahagi ng Asya at nagbabanta sa baybay-dagat na Hapon.
Mga Implikasyon para sa Umuunlad na Bansa
Kinakailangan na maghanap ng pagmumulan ng pambansang motibasyon sa kompetisyong sosyal ay ekonomiko, maging totohanang tag-hamon para sa titulong taga-gawa ng milagronbg ekonomiko sa Timog Silangang Asya.
Panibagong Direksyon para sa Nasyonalismo
Ang mga pahiwatig ng panahon ay hindi nagkakamali: ang nasyonalismong Pilipino sa kinabukasan ay kailangang maging matatag sa pagbubuo ng ekonomikong lakas, sa paggawa ng produkto na maaaring makipagpaligsahan sa mga bagong pandaigdig na pamilihan, na maituturing din na isang pagpapasya sa puspusang paggamit n gating pinakamahalagang kayamanan- ang tao.
Pagtataas ng ating Paningin, Pagpapalawak ng ating Pananaw
Kinakailangan suriing muli an gating maliit na pagpapalagay sa sarili at hingin ang karapatdapat na lugar ng Pilipino sa pandaigdigang komunidad. Nakasalalay dito ang potensyal na maaring pagkunan ng pambansang motibasyon na maaaring makapagpakilos, makapagbuo at makapagbigay-direksyon sa ating katalinuhan at lakas para sa kanlurang pambansa, para sa isa pang milagro sa Asya.