Pormal o Maanyo
Magsasaka: Larawan ng Tiyaga at Punyagi
ni:
Alvin B. Detera
Bumabangon kasabay ang sikat ng araw. Maglalakbay papuntang bukid upag magtrabaho . Iniwan ang pamilya upang may kanin ang pamilya nila simula umaga hanggang sa paglubog ng araw.
Sa sandaling hinagupit ng kalupitan ng kalikasan ang kanilang pinag pawisang ani. Hindi matatawaran ng halos umungol nang abot hanggang langit. Subalit laking tulog kapagka ang ani ay masagana dahil ito na ang magsisilbing pagkain ng kaniyang pamilya dili kaya ng ibang tao.
Kalimitang mapapansin na ang mga ito’y kasisinagan ng sunog ng balat tanda ng kasipagan at katatagan harapin sa buong maghapon ang init ng nanununog na araw. Upang nakakain lamang ng tatlong beses sa isang araw, handang harapin ang pagod at sakripisyo maiani lamang ang sagot sa kumakalam na sikmura ng pamilyang nag aantay ng kaniyang pagmamahal.
Tunay na dapat ipagmalaki ang ating magsasaka. Sila’y maituturing na larawan ng tiyaga at punyagi nitong ating bansa. Tamis at ininda ang sakit ng katawan at pagod. Sa paggawa ng lupang tatamnan ng kaniyang ani. kayang tiisin kasabay ang init ng araw, lamig, ng ulan basta’t maalagaan lamang ang lupang sinilangan.
Sa dami man ng kanilang problema ay hindi sila nakalilimot na pasalamatan ang Diyos. Unang-una kapagka sila ay nakaani ng sapat para sa kanilang ani. At ikalawa, nagkaroon ng katapat na kapalit ang kanilang pagod, sakripisyo, sakit at pagtitiyaga na magkaroon ng masaganang ani.

Di Pormal o Di Porma
Bubong
ni:
Alvin B. Detera
Umulan man o umaraw, sa gitna ng unos ang bubong ay laging nariyan, nagbibigay proteksyon sa bahay ninuman, nananatiling nakatayo upang maitaguyod ang nakasilong sa kanyang tanan, tulad ng ating ama na handang isakripisyo ang sarili huwag lamang mapahamak ang kaniyang pamilya.
Halos lahat ng tahanan ay may bubong na sinisilungan upang huwag mainitan o maulanan ang mga taong naninirahan doon. Lahat ay hindi ininda para lamang proteksyunan ang minsa’y naging bahagi ng kanyang pakikipagsapalaran. Dumating man ang delubyo’y nananatiling nariyan hindi ka iiwan pagkat siya’y isang bubong handang tumulong huwag ka lang mapahamak.
Bubong, laging karamay sa oras ng kagipitan. Saksi sa tuwa at lungkot ng pamilyang dinadamayan. Tulad ng isang amang handang dumamay at tulungan ang bawat kasapi kung may naaagrabyado o naaapi. Hindi papatalo sa lahat ng laban, kahit bagyong Ondoy man ang makalaban dahil siya’y tutulong sa abot ng kanyang makakaya.
Ating pahalagahan bubong ng ating bahay ayusin, linisin, at pagandahin ng magkagayo’y kahit sa simpleng bagay lamang maipadama nating pinahahalagahan at minamahal din natin sila. Na kahit simpleng bagay lamang sila hindi nagsasalita maihatid natin ang mensahe ng “Kahit bagay sila dapat din silang mahalin at pahalagahan ng ating mga magulang na handang umagapay sa oras ng kagipitan.