Ang Wikang Filipino ay Wikang Panlahat,
Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas…
ni
Alvin B. Detera
BSED-2
“Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay daig pa ang hayop at malansang isda.” Ito ang mga katagang tumatak na sa ating isipan na buhat sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Ngunit nagagawa ba natin ang pagmamahal sa ating wika, ang wikang Filipino, ang wikang panlahat.
Noong una, napakaraming dayalekto ang ginagamit dito sa ating bansa na nagbunga ng problema sa larangan ng komunikasyon. Nagkaroon ng solusyon ang suliraning ito sa tulong ng dating Pangulo Manuel L. Quezon. Napagtanto niya na upang mas umunlad ang ating bansa, kailangan magka-isa ang bawat Pilipino. Sa iisang layunin at makakamit ito sa tulong ng isang pambansang wikang magagamit upang lalong magkaintindihan ang bawat Pilipino. Naging matagumpay ang adhikaing ito ni Pangulong Quezon, naging malakas at matagumpay ang Pilipinas sa tulong ng wikang panlahat, ang wikang Filipino.
Sa panahon natin ngayon, ang mga wikang banyaga ay nakaaapekto ng malaki sa ating sariling wika. Ang mga kabataan ngayon ay may higit na pinagtutuunan ng pansin ang pagiging dalubhasa sa wikang di naman sa atin. Sa ipinapakita nating ito, ang pagrespeto at paggalang sa ating sariling wika ay nawawala na.
Sa mga suliraning ito na ating pinagdadaanan ngayon, ang pagkaka-isa ng bawat Pilipino ay maghahatid sa atin sa tuwid na landas.