Kabataang Pilipino: Tagahubog ng Magandang Bukas
ni:
Alvin B. Detera
BSED-2
Kabataang Pilipino -salaming kasisinagan ng hinaharap ng bansa. Kabataang tinatawag na siyang “Pag-asa ng Bayan.” Kabataang magiging tagapagtuklas ng katotohanang ikinukubli ng kasaysayan upang magkaroon ng agarang kasagutan ang napakaraming katanungan na siyang bumabagabag sa ating isipan tungo sa pag-unlad ng sambayanang Pilipino.
Oo, ang pagpapahalaga sa edukasyon. Maging tagatanglaw sa landas na madilim ng kapwa kabataan. Maging larawan ng pagtitiwala at pagpapahalaga sa sarili. Kabataang Pilipino na hindi nag-aaksaya ng panahon sa mga walang katuturang bagay bagkus ay tagabuo ng mga pangarap para sa susunod na henerasyon. Kabataang Pilipino na naging instrument sa tunay na diwa at damdaming maka-Pilipino.
Kabataang Pilipino na hinubog sa iba’t ibang kaugalian, paniniwala, simulain, at pananampalataya ng maraming kultura. Hindi mapapasubalian na bago pa man makapagsulat ng aklat si Rizal, bago pa man maging kalihim ng katipunan si Jacinto at maghimagsik si Bonifacio, sila ang mga kabataang Pilipino na nagsilbing tagapagmulat sa pagkamit ng kalayaang pambansa. Talino at talim ng pluma ang naging sandata na naghatid sa kanilang wakas.
Sa paglipas ng panahon, tila lumihis sa minanang kaugalian ang mga kabataang Pilipino. Hindi maitatanggi na iba ang gawi at kilos ng mga kabataan ngayon kumpara noon. Hindi nga ba at ilan sa mga ito ay naliligaw na ng landas? Hindi nga ba at kayraming kabataan ang nasasangkot sa iba’t ibang krimen na siyang dahilan kung bakit maraming mga maagang nag-aasawa, nabubuntis, nakukulong at hindi nakakapagtapos ng kanilang mga pag-aaral? Kabataan…hindi pa huli ang lahat. Huwag nating hayaang tuluyang mayurak ang imahe ng tinaguriang pag-asa ng bayan. Pag ibayuhin muli natin ang magagandang bagay na ginawa ng ating mga ninuno. Maging mabuting halimbawa tayo sa kapwa kabataan upang sa gayo’y makaahon tayo sa suliraning kinahaharap.
Maraming suliraning haharapin ngunit sa pagkakaisa ng kabataang Pilipino walang imposibleng di makamit. Dahil dito, maisasabuhay ang pagiging pag-asa ng bayan. Mga kabataang pangarap ni Rizal na tagahubog ng magandang bukas.