Julian Felipe
Kilala si Julian Felipe sa kanyang tugtugin o kompositiong "Himno Nacional Filipino." Ipinalikha sa kanya ni Heneral Emilio Aguinaldo ang makabayang musikang ito para sa kalayaan ng bansa. Unang ipinarinig ang tugtuging ito noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Iyan ang pinagbatayan ng kasalukuyang pambansang awit.
Bukod sa pagiging kompositor, si Julian Felipe ay tumutugtog din ng organ sa simbahan ng Cavite.
Bukod sa pagiging kompositor, si Julian Felipe ay tumutugtog din ng organ sa simbahan ng Cavite.
Nicanor Abelardo
Isa pang kilalang Pilipino sa larangan ng musika si Nicanor Abelardo. Magaling siyang tumugtog ng mga instrumento gaya ng guitara, biyulin, cello, at piyano. Isa rin siyang kompositor tulad ni Julian Felipe. "Nasaan Ka, Irog?" ang isa sa kanyang tanyag na mga komposisyon. Ang iba pang mga kinatha niya ay ang mga sumusunod: My Native Land," "Motherland," "Bituing Marikit," at "National Heroes Day."
Gilopez Kabayao
Mayroon din kilalang biyulinista. Siya si Gilopez Kabayao. Natutuo siya ng biyulin mula sa kanyang ama nang siya ay pitong taong gulang pa lamang. Marami na siyang pinagwagihang paligsanhan sa pagtugtog ng biyulin sa ibang bansa. Nagbibigay pa siya ng walang bayad na konsiyerto para sa mga batang mag-aaral.
Cecile Licad
Si Cecile Licad naman ay isang tanyag na piyanista sa buong mundo. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano. Isa siya sa magagaling na Pilipinong iskolar sa musika na pinag-aral sa Estados Unidos. Nanalo na siya sa ilang paligsahang pandaigdig sa pagtugtog ng piyano.
Freddie Aguilar at Apo Hiking Society
Hindi lamang sa Pilipinas tanyag ang mga awitin ni Freddie Aguilar at Apo Hiking Society. Kilala rin sila sa ibang bansa. Kanilang itinaguyod at pinaunlad ang mga musikang Pilipino sa pamamagitan ng pag-awit sa mga konsiyerto sa ibang bansa. Nanalo na rin sila sa mga paligsahang pang-internasyonal sa musika. Sila ang tinatawag na makabansang mang-aawit. Matapang din silang sumanib sa mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero, 1986.
Francisca Reyes Aquino
Sa larangan naman ng sayaw, si Francisca Reyes Aquino na isang guro ang nangunguna sa paksang ito. Malawak ang ginawa niyang pag-aaral sa mmga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw ng iba't ibang lugar ng bansa nang may dalang kamera at tape recorderupang magsaliksik ng mga sayaw. Sinulat niya ang lahat ng hakbang ng sayaw na kanyang namamasid na hindi niya binago ang orihinal na galaw nito.
Tiyaga dedikasyon ang kinailangan niya sa kanyang gawain. Natapos niyang sulatin ang kanyang mga aklat sa sayaw kasama ang musika at kaukulang hakbang nito. Dapat siyang maipagmalaki. Natatangi ang mga ginawa niya.
Tiyaga dedikasyon ang kinailangan niya sa kanyang gawain. Natapos niyang sulatin ang kanyang mga aklat sa sayaw kasama ang musika at kaukulang hakbang nito. Dapat siyang maipagmalaki. Natatangi ang mga ginawa niya.
Fernando Amorsolo
May iba pang mga tanyag na Pilipino sa sining. Si Fernando Amorsolo ang isa sa kanila. Mahilig siyang gumuhit ng larawan noong bata pa siya na ginagamit lamang ang lapis at papel. Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan ay nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa, mga tanawin, at larawan ng mga tao. Ipinahayag siyang kauna-unahang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining.
Guillermo Tolentino
Tinaguriang isa sa magagaling na eskultor ng bansa si Guillermo Tolentino. Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng Republika ng Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa Grace Park, Kalookan, ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at ang estatwa ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.