Ang Kahalagahan ng Pilosopiya sa Sikolohiyang Pilipino
ni:
Leonard N. Mercado
Mga Palagay
Sa pagkakaroon ng pilosopiya at sikolohiyang Pilipino, makikilala ang kaibahan ng “musika sa pilipinas” at “musikang Pilipino.” Kabilang sa “musika sa pilipinas” ang mga musikang banyagang tinutugtog sa mga tanghalan at iba pa. ang “musikang Pilipino” naman ay naglalarawan ng kaluluwa ng Pilipino.
Maaaring ipahayag sa iba’t-ibang paraan ang problema. Ginagamit din ang sikolohiya sa pilipinas bilang isang modelo. Ayon kay Stauffer, ang paggamit ng di-wastong modelo ay nagbubunga ng maling resulta.
Sa pagkakaroon din ng pilosopiya at sikolohiyang Pilipino, ito ay magkahiwalay subalit magkaugnay na agham. Ayon kay Peters, ang pilosopiya at sikolohiya ay katulad ng pag-ibig at pagkapoot, pag-aasawa at paghihiwalay. Ayon din kay Mercado, ang ideya ng pilosopiya at sikolohiyanh Pilipino ay kapwa dinamoko at istatiko.
Ang Papel ng Pilosopiyang Pilipino
Dalawa ang ginagampanang papel ng pilosopiyang Pilipino sa sikolohiyang Pilipino: negatibo at positibo.
Ito ay negatibo sapagkat kinakailangang tukuyin ang hakang pilosopikal ng mga dayuhan. Ito naman ay positibo sapagkat itinuturo dito ang daan para makapanaliksik ang mga sikolohista.
Sa pagtukoy sa mga kahinaan ng sikolohiyang Pilipino, hinati ito sa (1) Lipunan, (2) Kognisyon at (3) Kalikasan.
Ang Lipunan
Ayon kay Mercado, hindi indibidwalista ang mga Pilipino. Kinakailangan niya ang pakikisama sa kanyang kapwa at makibagay rito.
Sikolohiyang pangangalakal. Pagulo nang pagulo ang kalakalan habang ito’y umuunlad.
Pamamatnubay at Pagpapayo. ang “client centered” na pagpapayo ay lubhang maraming tagasunod. Ginagamit ng mga Pilipino ang terapiyang Rogers sapagkat karamihan sa tagapayo sa Pilipino ay sinanay sa Amerika. Ayon sa Rogers na terepiya, ang pilosopiyang panlipunan ay may binabagayan.
Ang “Rogerian Approach” ay batay sa pilosopikal na walang pagka-pilipino.
Kognisyon
May dalawang kapwa mabisang daan tungo sa katotohanan: ang paraang lohikal at paraang sikolohikal.
Ang paraang lohikal ay paraan na nagmumula sa masaklaw tungo sa konkreto. Ang paraang sikolohiya naman ay nagsisimula sa konkreto tungo sa masaklaw.
Sikometrika. Nagkaroon ng masidhing pagnanais na istandardisashin ang mga “IQ TEST” sapagkat karamihan sa kanila ay Amerikano. Isa sa mga unang pagsubok para maiangkop sa mga estudyanteng Pilipino ay ang National College Entrance Examination (NCEE).
Sikolohiyang Pang-edukasyon. May balak na ang edukasyon ay gawing “behaviorally oriented”. Kung gayon kinakailangan na ang mga silabus ng mga kurso ay baguhin at gawing behabyoral.
Batayang Pilosopikal
1. Nakabatay ito sa kaasalan ay katiyakan na tumatanggap lamang ng maaaring sukatin at itinatakwil ang hindi masusukat tulad ng intwisyon.
2. Ang karunungan sa paraang behabyoral ay baha-bahagi. Ayon kay Kapfer, ang bawat dibisyon ay pinaghahati-hati sa iba’t ibang kategorya: pagtanngap, pagtugon, pagpapakabuluhan, organisasyon at karakterisasyon.
3. Ang karunungan sa pamamaraang behabyoral ay may oryentasyong pang-mag-aaral.
Kalikasan
Pinaniniwalaan nila na ang tao ay sukatan ng lahat ng bagay kaya lubos nilang pinahahalagahan ang kalikasan.
Tungo sa Mabuting Pagtutulungan ng Pilosopiya ay Sikolohiya
Maraming tendensiya katulad ng pagsalungat sa kultura o paggamit ng kultura. Ayon kay Jocano, sinisikap nilang ipatupad ang kaugalian sa larangan ng edukasyon.kung kapwa minimithi ng pilosopiyang Pilipino at sikolohiyang Pilipino na sila’y maging tunay na Pilipino, kailangan sundin nila ang karunungan ng kultutrang Pilipino.