Mga Gamit ng Wika
Binibigyang linaw dito ang mga variant o mga form na magkaiba na may parehong kahulugan na dala na pagbabago. Tinitingnan ang wika sa loob ng kinikilusang jeograpikal o sosyal na reyalidad.
Sosyolinggwistiks
Tinatawag na sosyolinggwistiks ang pag-aaral at pagkakaintindi ng iba’t-ibang variant, iba’t-ibang form at straktyur, na tinatakda ng iba’t- ibang kontekstong sosyal. Sa madaling sabi, pag-aaral ito ng kahalagahan at kabuluhan ng mga linggwistik-varyesyon sa mga sosyal straktyur. Nakapaloob dito ang pag-aaral at pagaanalays ng iba’t-ibang anyo o varayti ng isang wika na tinatawag na Dayalek.
Dayalektoji ang tawag sa larangan na pinag-aaralan ang mga dayalek ng isang wika. Kahit na may kanya kanyang katangian ang bawat dayalek , nagkakaintindihan ang lahat ng ispiker ng Tagalog. Meron silang mutwal na pagkakaintindihan o mutual intelligibility.
· Dayalek-jeografi at Dayalek-atlas
Kung may pagbabago o inobasyon, halimbawa sa isang tunog, karaniwang apektado ang buuong komunidad na nagsasalita nung wika kung saan nagkaroon ng pagbabago. Aysoglos ang tawag na nagpapakita ng hangganan ng pagbabago, inobasyon o variant. Kapag nagsama-sama sila sa iisang lugar, sila ay nagbubuklod ng isang dayalek sa isa pang dayalek.
· Dayalek-atlas
Ang tawag sa nagpapakita ng hangganan ng mga variant para mailarawan ang mga sakop na mga dayalek ng isang wika.
· Ang kontekstong sosyal
Maoobserbahan na kahit saan, nagugrupo-grupo ang tao batay a ilang kayangian o varyabol, halimbawa, yaman, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa.
· Mga sosyal-varyant
Nagkakaroon ng dayalek ang wika dala ng kontekstong sosyal na nagdedetermin ng mga variant nito. Kaya mahalaga ring malaman kung bakit may mga variant, halimbawa, bakit nagresis o di tinanggapng isang grupo ang inobasyon na gamit o galling ng ibang grupo. Loyalty ng wika ang tawag kung bakit nagkaroon ng mga komunidad ang katunayang sosyal, historical at jeograpikal. Katangi-tangi paring nananatili ang paggamit ng tunog r sa isang grupo ng salita na katumbas ng d, halimbawa, ring-ring – dingding, ribdib – dibdib at iba pa.
Ang Idyolek
Tinatawag na Idyolek ang total na katangian at kagawian sa pagsasalita ng isang indibidwal. Ang varyant o mga linggwistik na katangian ng isang idyolek sa isang linggwistik-komyuniti ay di kasing laganap sa mga varyant na ginagamit ng jeografik-dayalek o ng sosyolek. Dahil gamit lamang ang mga ito ng indibidwal.
· Standard na varayti
Hindi gumagamit ng mga varyant na naiiba sa standard-varayti ang mga nakilalang may pinag-aralan, o di kaya, ang mga gusting hangaan sila. Pinapalitan nila ng mga salitang gamit sa standard ang mga salitang mag-aaydentifay na galling sa isang lugar.
· Patay na wika
Isang epekto ng pagkakaroon ng dayalek-ang pagsplit ng isang wika-ang pagkawala o pagkamatay ng isang dayalek dahil hindi na ginagamit ito. Namamatay ang isang wika dahil meron itong kapalit na wikang mas pinapaboran ng mga myembro ng komunidad.
· Pidjin at kreyol
Kung maaaring mamatay ang wika, nangyayari din na may nadedevelop na bagong wika. Karaniwang nangyayari ito kung saan hindi lang isang wika ang sinasalita. Pidjin ang tawag sa proseso ng pagbuo ng paulit-ulit at panggagaya ng kahit mali mali, hanggang magkaintindihan ito. Kreyol naman ang tawag sa wikang nadedevelop sa isang pidjin at nagging unang wika ng isang lugar.
· Paghahalo ng mga kowd
Tinatawag na kontak-langwej ang isang pidjin dahil bung ito ng pagsisikap ng mga taong magkaiba ang wika ng magkaroon ng kontak. Kabilang dito ang kowd-switching o paglilipat ng mga preys o sentens mula sa ibang wika.
UGNAYAN NG WIKA AT TAO
Ayon kay Rankin, pitumpung porsyento (70%) ng gising na oras ng tao ay inuukol niya sa pakikipagtalastasan. Samakatwid, wika ang ginagamit ng tao sa maghapon niyang pakikipag-interaksyon sa kanyang kapwa.
Saan nga ba nagsimula ang wika? Ayon sa genesis 11:1-9, noon ay iisa lamang ang wikang ginagait ng tao. Subalit noong nagtayo ng lungsodang mga tao na halos abot sa langit ay lubos na nabahala ang Diyos dahil gusto nilang langpasan ang Diyos. Pinag-iba-iba ng Diyos ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan at upang hindi matuloy ang kanilang balak. Ang pahayag na ito ay pinaniniwalaan ng mga relihiyoso subalit ayon sa mga pilosopo at dalubwika, ang wika ay dinevelop lamang ng tao para makabuo ng iba’t-ibang kaalaman.
Magkasalungat man ang pinaniniwalaan ng mga relihiyoso at klasikong griyego, huwag natin kalimutan na Diyos ang lumikha at nagbigay sa atin ng talino upang makatuklas ng mga bagay na maaari nating magamit sa araw-araw.
Ugnayan ng wika at kultura
Sinasabing nasasalamn ang kultura ng isang lahi sa wikang siasalita ng lahing iyon. Ang kultura ang nagdidikta ng mga leksikong magiging bahagi ng wika ng isang lahi.
Sinabi ni Gleason sa kanyang komprehensivong definisyon, ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Samakatwid, hindi pweding paghiwalayin ang wika at kultura dahil habang tinutuklas ng tao ang kanyang wika ay tinutuklas din niya kung saans kultura siya nabibilang.
Ugnayan ng wika at lipunan
Bawat lipunan ay may kani-kaniyang wiak. Halimbawa nito ay ang Filipino, Ingles, Prances at iba pa. Sa pilipinas ay may walong maituturing na pangunahing wika: Tagalog, Ilokano, Pangasinan, Pampanggo, Waray, Hiligaynon, Cebuano at Bikol.
Dayalek ang tawag sa wika na nagkakaroon ng pagkkaiba-iba o varayti sa loob ng wika. Halimbawa na lamang ng mga varayti ng Tagalog. Meron tayong Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Bulacan at iba pa.
Ang Idyolek naman ay masasabing isang finger prints ng isang tao dahil tanging kanya lamang. Dito makikita ang istilo ng isang individwal sa pagsasalita.
Tinatawag na Sosyolek ang wikang nakabatay sa pagkakaiba ng katayuan o istatus ng isang ginagamit ng wika sa lipunang ginagalawan.
Kabilang naman sa mga Islang words ang haleer, yuck, praning, japorms, windang at iba pa. hindi ito lubos na maintindihan ng mga may edad na kapag ito ay binibigkas ng mga kabataan.
Ang mga bakla ay bumuo rin ng naman ng kanilang sariling salita na tinatawag na Gay lingo o Sward speak. Ito ay nilikha nila para sa kanilang grupo.
Bawat profesyon o okupasyon ay may sariling wika rin na hindi basta mauunawaan ng hindi ganoon ang trabaho. Ito ay tinatawag na Jargon.
Meron din tayong tinatawag na Rejister. Ito ay nakabatay sa uri at paksa ng talakayan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at iba pang salik.